Villar family masaya, kaya Cynthia tutol sa divorce bill

"I have a very happy family life."

“I have a very happy family life.”

Mariing tinutulan ni Senator Cynthia Villar ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa para sa panukalang batas na Absolute Divorce Bill.

Ayon kay Villar, nagulat siya sa hakbang ng Kamara na aprubahan ang kontrobersyal na panukalang batas.

Marami rin kasi umano sa mga mambabatas at maging ang Simbahang Katoliko ang tumutol dito.

“Syempre nagulat ako sa kanila,” pahayag ng Senadora.

Aniya, isa sa mga rason kung bakit siya tutol sa panukala ay dahil mayroon naman siyang masayang pamilya.

“Pero ako po, alam naman ng lahat I have a very happy family life. So I’m not in favor of divorce,” dagdag pa nito.

Samantala, kabilang sa mga senador na hindi rin pumabor sa divorce bill ay sina Senate President Francis Escudero, former Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Francis Tolentino, Joel Villanueva, at Ronald Dela Rosa.