Villafuerte tinutulak pag-aprub sa CamSur Free Trade Zone

Hiniling ni Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund 'LRay' Villafuerte sa kanyang mga kapwa mambabatas na paspasan ang pag-apruba sa panukalang Free Trade Zone sa kanyang lalawigan.

Hiniling ni Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte sa kanyang mga kapwa mambabatas na paspasan ang pag-apruba sa panukalang Free Trade Zone sa kanyang lalawigan.

Ayon kay Villafuerte, ang pagtatayo ng mga special economic zone (SEZ) sa labas ng Metro Manila ay magsisilbing magnet sa mga investor. Ito aniya ang susi para bumilis ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

“For the economy to grow a lot faster, the NEDA (National Economic and Development Authority) believes there will have to be more jobs and investments generated outside Metro Manila,” saad ng mambabatas.

“And I believe one sure way to create abundant jobs and investment opportunities outside the national capital that would turbocharge regional growth is to put up more SEZs in the regions that would become magnets for local and foreign direct investments,” dagdag pa niya.

Ang kanyang panukalang Camarines Sur Free Trade Zone ay itatayo sa Provincial Capitol Complex sa mga bayan ng Pili at Milaor, sakaling maisabatas ito.