Villafuerte positibo aprub sa Kamara medical cannabis bill

Buo ang pag-asa ni Kongresista LRay Villafuerte na maaprubahan ang panukala para legalize ang medical cannabis o marijuana bago matapos ang 19th Congress.

Buo ang pag-asa ni Kongresista LRay Villafuerte na maaprubahan ang panukala para legalize ang medical cannabis o marijuana bago matapos ang 19th Congress.

Noong Hunyo 2, ipinahayag ni Villafuerte ang kanyang lubos na tiwala na maaprubahan nila ang panukalang ito, habang ipinagtanggol niya ang kapansin-pansing bisa ng cannabidiol (CBD) – ang hindi-addictive na aktibong sangkap ng cannabis sativa o marijuana – bilang lunas sa iba’t ibang malubhang sakit.

Ang panukalang batas na pinamagatang “An Act providing right of access to medical cannabis, establishing the Medical Cannabis Office and providing funds therefor” ay naaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara bago nagtapos ang session noong Mayo 22.

Inaasahan ni Villafuerte na maaprubahan ang panukalang ito sa ikatlong regular session na magsisimula sa Hulyo 22, na siya namang huling taon ng 19th Congress.

Matatandaan na noong nakaraang Kongreso, ang mga panukala ni Villafuerte para legalize ang medical cannabis ay naaprubahan sa Kamara, ngunit hindi nakakuha ng suporta sa Senado.

Ngayon, sigurado umano ang kampo ni Villafuerte, dahil ang bersyon ng Senado ay naaprubahan na sa komite at inaasahang mapag-aaralan sa plenaryo.

Ayon kay Villafuerte, ang CBD oil ay ligtas gamitin para mapagaan ang iba’t ibang kondisyon tulad ng migraine, epilepsy, auto-immune diseases, multiple sclerosis, at pananakit sa huling yugto ng cancer, dahil ito ay walang nakakalasing o psychoactive na katangian tulad ng tetrahydrocannabinol (THC).