Villafuerte pabor ipagbawal deepfake technology sa 2025 elections

Suportado ni National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang pagdidiskwalipika sa mga kandidatong gagamit ng Artificial Intelligence (AI) at deepfake technology sa 2025 midterm elections.

Aniya, nararapat lang na ipagbawal ang paggamit ng AI sa kampanya.

Ito’y matapos kumalat sa Tiktok ang isang video mula TV Patrol ng ABS-CBN kung saan nag-uusap umano ang isang anchor, reporter at political analyst kaugnay ng pangunguna ni Senator Robin Padilla sa 2028 presidential elections.

Mariin naman itong itinanggi ng ABS-CBN at sinabing manipulated at peke ang video.

“This TikTok video of a supposed ABS-CBN report on the results of a survey on the leading candidates for the 2028 presidential race, but which this network subsequently dismissed as a ‘false and fabricated’ news clip, is one proof for the Comelec (Commission on Elections) to consider banning the use of AI in next year’s election period,” saad ni Villafuerte.

Samantala, sumangayon din si Villafuerte sa sinabi ni Comelec chairman George Garcia na maaring abusin ang makabagong teknolohiya sa pagmamanipula ng mga kandidato sa eleksyon.