Villafuerte nanawagan sa LGUs: Tulungan PBBM labanan online porn!

Humingi ng suporta si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga lokal na pamahalaan na tulungan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. labanan ang online pornography.

Humingi ng suporta si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga lokal na pamahalaan na tulungan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. labanan ang online pornography.

Ayon kay Villafuerte, mandato ng mga LGUs na lumikha ng mga programang kikitil sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

“Our local executives can best support the President’s ‘merciless’ war on online child porn by putting up prevention programs against this scourge on cyberspace, in case they haven’t yet, or to carry out their existing ones with vigor, in case they have existing initiatives already, as part of a holistic approach to overcoming decisively this usually family-based, highly lucrative menace to society,” ani Villafuerte.

Si Villafuerte ang may-akda ng Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act of 2021 o Republic Act 11930 na nag-uutos sa mga LGU na magpasa ng mga ordinansa laban child pornography.

Matatandaan namang inatasan ni Pangulong Marcos ang Philippine National Police at iba pang ahensya na habulin ang mga taong nasa likod ng online sexual abuse ng mga menor de edad.