Villafuerte nagpanukala: Libraries sa bansa dagdagan!

Isinulong ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ang House Bill No. 1798 sa Kamara na may layuning dagdagan pa ang mga public libraries at reading centers sa bansa.

Isinulong ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ang House Bill No. 1798 sa Kamara na may layuning dagdagan pa ang mga public libraries at reading centers sa bansa.

Target amyenduhan ng HB No. 1798 ang Saligang Batas 7743 na maglagay pa ng mga pampublikong silid-aklatan sa bawat barangay sa Pilipinas na may access sa internet, computers, at iba pang mga makabagong teknolohiya.

“To prepare young Filipinos for the challenges of the future, as well as keep our economy competitive, there should be provincial, city, and municipal public libraries as well as barangay reading centers in all places nationwide that still do not have such facilities, and every elementary, secondary and tertiary school in the Philippines must be equipped with up-to-date library resources, certified library media specialists, access to advanced technology, and proper instruction on the use of library and information resources,” ani Villafuerte

Aniya, alinsunod ang panukalang ito sa kasalukuyang mandato ng National Library na palawigin ang development program nito sa tulong ng mga local government units (LGUs).

Samantala, itatatag sa ilalim ng House Bill No.3687 ang Division of Library Media Services na naglalayong mas hikayatin pa ang mga guro at mag-aaral ng DEPED at ng Bureau of Higher Education sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa kanilang pagtuturo at pag-aaral.