Villafuerte ibinida 7K-megawatt wind project ng CamSur

Pinalakpan ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ang mga benepisyo ng 7,668-megawatts (MW) offshore wind projects para sa Pilipinas.

Pinalakpan ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ang mga benepisyo ng 7,668-megawatts (MW) offshore wind projects para sa Pilipinas.

Sinabi ni Villafuerte na ang naturang proyekto ang magiging kauna-unahan at pinakamalaking offshore wind farm sa bansa na may kapasidad na 1 gigawatt (GW).

Gumagamit umano ito ng mga turbina na itinayo sa tubig para makakuha ng enerhiya mula sa hangin sa dagat.

Mas magiging epektibo aniya ang turbina na ito sa paglikha ng kuryente dahil mas malakas ang hangin sa karagatan.

“This pioneering wind farm to be built by Danish infrastructure investment firm Copenhagen Infrastructure Partners (CIP) on San Miguel Bay, along with 15 more offshore wind projects (OSW), will help the Marcos administration accelerate its planned transition from fossil fuel to renewables for the radical reduction of the Philippines’ carbon footprint,” pahayag ni Villafuerte.

“Once the CIP-funded clean energy project costing a whopping P162.9 billion is built on San Miguel Bay in CamSur, hopefully by 2028, it will become the first and single biggest OSW farm in the Philippines,” dagdag pa ng solon.