Vietnamese company ilulunsad bagong ride-hailing app sa ‘Pinas

Nagbunga ang foreign trip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa nakatakdang pagpasok ng isang Vietnamese ride-hailing app sa bansa.

Nagbunga ang foreign trip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa nakatakdang pagpasok ng isang Vietnamese ride-hailing app sa bansa.

Nakipagpulong kamakailan ang CEO ng Green and Smart Mobility Joint Stock Company (GSM) na si Thanh Nguyen kay Board of Investments Director Evariste Cagatan na siyang nagpahiwatig sa plano ng Vietnamese ride-hailing app na pumasok sa merkado.

Layong ilunsad ng GSM ang kanilang serbisyo sa publiko gamit ang mga Vinfast Electric Vehicles sa 2024 na siyang nakatakdang makipagkompetensya sa dalawang ride-hailing services sa bansa na Grab at Joyride.

Matatandaang nakipagpulong ang Pangulo sa chairman ng Vingroup na si Pham Nhat Vuong sa kaniyang opisyal na pagbisita sa Vietnam.

Ang Vingroup na isa sa pinakamalaking conglomerate sa Vietnam ay nagpahayag ng kagustuhang mamuhunan sa Pilipinas.

Ayon sa Investment Promotion Agency (IPA), kasalukuyan nang pinaplantsa ng GSM ang kanilang pagpaprehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

“The company aims to provide eco-friendly taxi services utilizing VinFast electric cars exclusively in 2024. This electric taxi service underscores GSM’s commitment to promote sustainable EV transportation in the region,” saad mg IPA.