Video ng meeting kumalat! Miss Universe ginamit lang mga nanay, trans?

Nahaharap sa matinding kontrobersya ang Miss Universe Organization dahil sa nag-leak na video na kuha sa kanilang meeting.

Nahaharap sa matinding kontrobersya ang Miss Universe Organization dahil sa nag-leak na video na kuha sa kanilang meeting.

Sa naturang video, makikita si Miss Universe owner Anne Jakrajutatip na sinabing ‘communication strategy’ lang umano na pinayagan nilang pasalihin ang mga nanay na, transgender at mga may edad sa kanilang beauty pageant.

Nabanggit din ni Jakrajutatip na pwedeng sumali pero wala umanong tsansang manalo ang mga dinagdag nila na pwedeng sumali sa Miss Universe.

“They can compete but they cannot win. We just put the policy out there,” wika ng may-ari ng Miss Universe.

Maraming netizen naman ang nadismaya sa nag-leak na video, at hinirit na sana’y hindi na magpadala ng kandidata ang Pilipinas sa Miss Universe.

Naniniwala rin ang karamihan na dahil sa leaked video ay posibleng bumagsak na ang pinakamalaking beauty pageant sa buong mundo dahil nabahiran na ang integridad nito.

@divastarklao Miss Universe Org anomalies discussed in a meeting. How true? #missuniverse #annejakapongjakrajutatip #thailand #annejakrajutatip #missuniverseissue #annejakrajutatipissue #khunanne #jknglobal #missuniverse #fy #fyp #foryourpage #foryoupage #divastar #tiktokfebibig #pageantsph #pageantryph #pageanttalkph ♬ original sound – Divastar KLao