Vice pang-BINI raw ang beauty?

"Sariwa, malinis, makipot... Gustuhin ngunit mapili.”

“Sariwa, malinis, makipot… Gustuhin ngunit mapili.”

Ganito inilarawan ni Vice Ganda ang sarili — mga katangiang hahanapin para raw mapasama sa Pinas national girl group BINI.

Banat pa ni Vice na pwedeng pwede siyang kalabitin para sumali kung may absent daw sa mga miyembro ng BINI.

“O, alam niyo na BINI ha? ‘Pag may absent sa inyo pwede ‘tong bata ko!” post ni Vice sa kanyang Instagram account.

Bet na bet naman ng netizens at ng ilang artists ang pinost na picture ng sarili ni Vice, pati isang miyembro ng BINI ay pinusuan ang sinabi ng komedyante.

Comment ni BINI Mikha sa post: “😍😍😍”

“Pwede rin po ba ako mag-apply?” tanong din ng aktres na si Jolina Magdangal habang naka-tag ang Instagram accounts ng BINI at ni Vice Ganda

“Mershmallow sa lambot Meme ❤️,” sabi ni Kakai Bautista.

“BINI Vice!! 🌸,” reply naman ng It’s Showtime kay Vice.

“Love you Meme! So pretty!” komento naman ng isang netizen.

“Eto pala pang 9 na nawawala sa BINI e!” dagdag ng isa.