Vice Ganda, ginagamit sa scam

Nagbabala ang comedian na si Vice Ganda sa kumakalat na scam kung saan ginagamit ang kanyang pangalan.

Nagbabala ang comedian na si Vice Ganda sa kumakalat na scam kung saan ginagamit ang kanyang pangalan.

Sa Facebook post “It’s Showtime” host, pinakita niya ang screenshot kung saan may isang nagpapanggap na parte ng kanyang team.

Sa naturang mensahe, pinapalabas na iniimbitahan ng scammer na nagpakilalang si ‘Peach’ sa collaboration ang target nitong lokohin.

Pagklaro ni Vice, walang nagngangalang ‘Peach’ sa kanyang team.

“‘Wag agad magpapaniwala sa mga ganitong messages! Walang “Peach” sa team namin. Kung may kakausap man sainyo, yun ay ang official accounts ng Team Vice!” saad ng komedyante.

Maraming netizen naman ang nagpayo rin sa publiko na huwag basta-basta maniniwala dahil talamak ang scammer ngayon.