Vhong Navarro wagi sa kaso vs Cedric Lee, Deniece Cornejo

Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 ng guilty ang negosyanteng si Cedric Lee, modelong si Deniece Cornejo, at dalawa pang indibidwal kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro.

Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 ng guilty ang negosyanteng si Cedric Lee, modelong si Deniece Cornejo, at dalawa pang indibidwal kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong Navarro.

Kinilala ang dalawa pang kasama nina Lee at Cornejo bilang sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.

Sa ilalim ng batas, ang naturang kaso ay may parusang reclusion perpetua o 40 taong pagkakabilanggo.

“It is all too apparent that the accused planned and premeditated to restrain Vhong Navarro to extort money from him. Proof of their agreement is inferred from their conduct before, during, and after the commission of the crime,” saad sa desisyon ng korte.

Inatasan din ng korte ang mga suspek na bayaran si Navarro ng P100,000 sa civil indemnity, P100,000 sa moral damages, at P100,000 sa exemplary damages.

Taong 2014 nang maakusahan ang apat ng pagkidnap kay Navarro kung saan nila ito binugbog.

Matatandaang pinalabas ng kampo nila Lee na ginahasa ng aktor si Cornejo. Marso ng nakaraang taon nang ibasura ng Supreme Court ang mga reklamong rape at acts of lasciviousness laban kay Navarro.

“Deniece Cornejo lured Vhong Navarro to her condo unit so that his co-accused attained their purpose of restraining Vhong Navarro and later on extort money from Vhong before dropping the blotter,” dagdag pa ng Taguig RTC.