Vhong Navarro nagbunyi sa paghatol kina Cedric Lee, Deniece Cornejo

Ikinatuwa ng aktor na si Vhong Navarro ang paghatol ng guilty kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at dalawa pang indibidwal hinggil sa pambubugbog sa kanya noong 2014.

Ikinatuwa ng aktor na si Vhong Navarro ang paghatol ng guilty kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at dalawa pang indibidwal hinggil sa pambubugbog sa kanya noong 2014.

“Salamat Lord dahil lagi kang nakagabay sa akin. Sa rami kong pinagdaanan sa buhay, ikaw ang nagging sentro ko at napakatotoo mo. Kaya maraming-maraming salamat,” pahayag ni Navarro sa episode ng ‘It’s Showtime’ ngayong Huwebes.

“Sa mga naniniwala sa akin, sa aking mga fans. Kung ano man yung narining niyong hindi maganda sa akin, eh patuloy kayong nandiyan sumusuporta at naniniwala,” dagdag pa ng aktor.

Guilty ang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC)-Branch 153 kina Lee, Cornejo at kina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ni Navarro.

May parusa itong reclusion perpetua o 40 taong pagkakabilanggo.

Nagkaisa umano ang mga suspek na holdapin si Navarro at bugbugin ito, kasama na rin ang paghingi ng ransom kapalit ng kanyang kalayaan.

Inakusahan pa nila Lee si Navarro ng panggagahasa kay Cornejo ngunit ibinasura ng korte ang kanilang reklamo noong nakaraang taon.