Vatican ‘di sasawsaw sa isyu ng divorce sa Pinas

Hindi makikielam ang Vatican sa usapin ng pagsasabatas ng diborsyo sa gitna ng bisita nito sa Pilipinas, ayon kay Vatican Secretary for Relations Paul Gallagher.

Hindi makikielam ang Vatican sa usapin ng pagsasabatas ng diborsyo sa gitna ng bisita nito sa Pilipinas, ayon kay Vatican Secretary for Relations Paul Gallagher.

Naniniwala si Gallagher na kaya na umano ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na pangisawaan kung ano man ang kinakailangang gawin ng simbahang katoliko hinggil sa isyu.

“The teaching of the Catholic Church with regard to marriage is very clear, and very well known. As far as I know, there have been no communications between Rome and the local Catholic Church, certainly no diplomatic overtures to the department or to the government,” paglilinaw ni Gallagher.

Bagama’t hindi makikisawsaw ang Vatican, makikipag-dayalogo pa rin ang top diplomat sa mga bishops, kasama na ang mga nasa Mindano, upang hingin ang kanilang opinyon sa divorce.

“We, as the Holy See, we would obviously, encourage Filipino Catholics, particularly leaders to listen to their pastors and to try and offer whatever is the best approach to this but it is essentially a matter for the bishops,” aniya

Kasalukuyang nasa Pinas si Gallagher para sa five-day visit upang iabot ang mensahe para sa kapayapaan mula sa Vatican City.