Vape na marijuana flavor, talamak! – PDEA

Inalerto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko hinggil sa pagkalat ng vape o e-cigarette na may halong marijuana oil.

Inalerto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko hinggil sa pagkalat ng vape o e-cigarette na may halong marijuana oil.

Naalarma ang PDEA matapos nilang madiskubre ang paglalagay ng marijuana oil sa vape sa kanilang mga anti-drug operation sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“The selling and smuggling of marijuana oil cartridges indicate that there is a growing domestic demand for these products,” saad ng PDEA sa isang pahayag.

Dahil dito, tiniyak ng PDEA na dodoblehin nila ang pagbabantay sa mga bilihan ng vape sa bansa upang makontra ang paglaganap ng e-cigarette na may lamang ilegal na droga.

Bukod pa rito, hiniling ng PDEA sa iba pang ahensya ng gobyerno na higpitan ang pagpapasok ng mga vape sa bansa.

Kamakailan lamang ay nakumpiska sa isang anti-drug operation sa Taguig City ang cannabis oil, pinatuyong marijuana, at mga vape. Naaresto naman ang dalawang suspek.

Naharang din sa Port Area sa Maynila ang 18 balikbayan box na naglalaman ng cannabis oil at pinatuyong marijuana na nakasilid sa mga vape.