Valenzuela Police Station FB Page nahack! Napuno ng babaeng nakahubad

Napuno ng mga posts na kinatatampukan ng mga babaeng walang saplot ang Facebook Page ng Valenzuela City Police Station.

Napuno ng mga posts na kinatatampukan ng mga babaeng walang saplot ang Facebook Page ng Valenzuela City Police Station.

Nag-umpisa mag share ng mga babaeng hubad ang page Lunes ng gabi at sa kasalukuyan ay hindi pa rin narerecover.

Ayon sa isang post, kinumpirma ng Public Information Office ng naturang police station ang hacking incident.

“This is to inform the public that the official Facebook page of the Valenzuela City Police Station has been hacked,” anang police station.

“The administrators do not have access to the account as of the moment. We urge the public to refrain from engaging with the hacked account,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagpopost ng mga malaswang video, hindi naman pinapalitan ng hacker ang profile picture ng FB page, maging ang cover photo nitong Bagong Pilipinas kickoff rally.