Vaccine scare! Pag-kalat ng pertussis kasalanan ng Duterte admin – Garin

Sinisi ni dating Health secretary at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa nakaraang administrasyon ang pagkalat ng pertussis o whooping cough ngayon sa bansa.

Sinisi ni dating Health secretary at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa nakaraang administrasyon ang pagkalat ng pertussis o whooping cough ngayon sa bansa.

Sa isang press briefing, ipinunto ni Garin na hindi lamang pertussis, kundi pati tigdas at polio ay nagiging talamak na ngayon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Aniya, resulta ito ng takot ng mga tao na magpabakuna laban sa mga nabanggit na sakit. Ito raw ay kasalanan ng ilang opisyal mula sa Duterte administration, partikular nina dating Health secretary Francisco Duque III at Asec. Paulyn Ubial.

“There’s a lot of news about pertussis but maybe we should ask first why it has happened, why is it that in the whole world, only the Philippines registered a pertussis outbreak and why polio made a comeback, why are there people dying of measles. This is all because of vaccine hesitancy,” wika ni Garin.

“The huge vaccine hesitancy happened because the Department during the time, the leadership of the [DOH] during that time, the Duque and Ubial legacy led to a strong reduction of vaccination. Why talk about this? People should understand that these incidents during the current administration, is actually an offshoot of some mistakes committed during the previous administration,” dagdag pa niya.

Ipinunto rin ni Garin na mula 98 percent ay lumigwak sa 30 percent ang vaccine coverage sa bansa, na siyang dahilan nang pagkalat ng iba’t-ibang mga sakit.