Uyyy, baka ibalik na yung confi funds nila! Local hacker na suspek sa PSA data leak, natukoy na — DICT

Isang local hacker ang nakikita ng Department of Information and Communications Technology na responsable sa data leak umano sa PSA, kung saan maaaring nakompromiso ang mga datos sa community-based monitoring system ng ahensiya.

Mayroon na umanong mga “leads” ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagkakakilanlan ng hacker na responsible sa data breach ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, maaaring “local hacker” ang may sala, na kaiba naman sa kaso ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), kung saan isang sindikato ang pinaghihinalaang nagtanim ng Medusa ransomware.

“Hindi siya parang international crime syndicate that has very advance ways of extracting data… It seems like a local hacker, and we already have some leads,” paliwanag ni Dy sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

Hindi rin umano bihasa ang suspek, kung kaya’t nag-iwan ito ng mga “digital footprints” na ginagawang ebidensiya ng ahensiya.

Dagdag pa ni Uy, maaaring pride o yabang lamang ang motibasyon ng nasabing hacker, na napasok diumano ang community-based monitoring system ng PSA.