Uy, friends na uli? PBBM, Kuwaiti prince, nagpulong sa Saudi Arabia

Nauna nang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang Pilipinas at Kuwait dahil sa sensitibong usapin tungkol sa mga karapatang pantao ng mga manggagawang Pilipino roon.

Nagsagawa ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Crown Prince of Kuwait Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, sa sidelines ng 2023 ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), hiniling ng crown prince ang nasabing pulong, na naganap nitong Biyernes, Oktubre 20. Dito tinalakay ng nin Marcos at Al-Sabah ang labor relations ng dalawang bansa.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang Pilipinas at Kuwait sa simula ng taon dahil sa hindi pagkakaintindihan tungkol sa mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait at ang pangangalaga at pagpoproteksiyon sa kanila. Lalo tumindi ang hidwaan ng matagpuan ang bangkay ng domestic helper na si Jullebee Ranara sa disyerto noong Enero.

Dahil dito ay sinusindi ng Kuwait ang pamamahagi ng visa sa mga Pilipinong nais magtrabaho roon.

Wala pang ibang detalyeng binigay ang PCO tungkol sa pinag-usapan ng dalawang pinuno.