Uwian na! Mga lumikas dahil sa nag-aalburotong Mayon, nakakabalik na sa kanilang tahanan

Bumabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng boluntaryong lumikas dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Bagaman nasa alert level 3 pa rin ang Bulkang Mayon ay unti-unti nang umuuwi sa kanilang tahanan ang mga boluntaryong lumikas bilang pag-iingat na rin sa pag-aalburoto ng bulkan.

“These residents were not ordered to evacuate when Mayon first showed unrest. They voluntarily went to evacuations centers,” paliwanag ni Cedric Daep, chief ng Albay public safety and emergency management office.

“We allowed them to stay because we understood that they were scared of the volcano. Now they want to go home,” aniya.

Ang mga naturang evacuees, na nasa labas lamang ng six-kilometer danger zone, ay tatlong buwan ring nanirahan sa mga evacuation centers simula nang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert level ng bulkan noong Hunyo 3.

Gayunpaman, nananatili pa ring aktibo ang Bulkang Mayon kaya’t pinag-iingat pa rin ang mga residenteng malapit rito.