UV ng nagpakilalang taga-AFP, pinalusot sa EDSA busway

Hindi tinekitan ang isang SUV na pinara matapos itong dumaan sa EDSA busway nitong Biyernes.

Hindi tinekitan ang isang SUV na pinara matapos itong dumaan sa EDSA busway nitong Biyernes.

Pinatigil ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang isang SUV na may kasamang convoy at may blinker pa dahil sa pagdaan nito sa exclusive lane sa EDSA carousel.

Ngunit kalaunan ay pinalusot din ito ng mga tauhan ng SAICT nang hindi tinitekitan.

Anila, nagpakilala umanong taga-Armed Forces of the Philippines (AFP) ang driver nang naturang SUV.

Ayon sa awtoridad ay may coordination daw ang naturang pagdaan ng SUV sa EDSA busway sa AFP.

Isa pang sasakyan ng Philippine Air Force (PAF) ang pinara dahil sa pagdaan din sa busway.

Nagpatiket naman ang driver ng naturang sasakyan.