Usap rin tayo, bro! Pulong ng PH, JPN coast guards, tatalakayin ang West Philippine Sea

May nakatakdang pagpupulong ang liderato ng mga coast guard ng Pilipinas at Japan bilang bahagi ng pagbisita sa Pilipinas ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Magpupulong sa Sabado, Nobyembre 4, ang liderato ng Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard (JCG) bilang bahagi ng pagbisita sa Pilipinas ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Makakapulong ni PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan si JCG Commandant Admiral Shohei Ishii and PM sa PCG Headquarters sa Port Area, Manila. Inaasahaan namang tatalakayin nila ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS), pati na rin ang pangkalahatang seguridad sa rehiyon.

Inaasahan ring pag-uusapan nina PM Kishida at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tensiyon sa WPS.

“They are expected to discuss the current regional maritime security situation, reaffirm the PCG-JCG partnership in capability development and personnel exchange,” sabi ni PCG spokesperson Rear Adm. Armand Balilo sa isang pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 3.

Ang PCG at JCG ay may malakas na ugnayan. Sa katunayan, mayroong mga barko ang PCG na galing sa JCG, na nakuha nito sa ilalim ng programa ng Japan International Cooperation Agency.