US senators suportado ‘Pinas sa isyu sa WPS

Nagpahayag ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang US Congressional Delegation (CODEL) sa gitna ng pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Nagpahayag ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang US Congressional Delegation (CODEL) sa gitna ng pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ang CODEL ay kasalukuyang nasa bansa para sa isang two-day visit. Nitong Martes ay nag-courtesy call sila kay Marcos kung saan nila tiniyak ang kanilang pagpanig sa Pilipinas.

“We share your concern about China’s aggression with regard to many of the issues around the Philippines. We stand with you and we want to continue to stand by you, and with you, and to push that aggression back appropriately,” pahayag ni US Senator Kirsten Gillibrand kay Marcos.

Bilang tugon, ikinatuwa ni Marcos ang pagbisita ng CODEL sa bansa.

“But I’m happy, very happy to welcome all of you to the Philippines, and I hope that the time that you will spend here can be a productive time where we are able to discuss further the situation concerning the Philippines and the geopolitical complications that we are facing presently,” aniya.

Dagdag pa ni Gillibrand, itinuturing ng Amerika na kapatid ang mga Pilipino.

“We have such a strong friendship with the Philippines because we have four million Filipinos in the United States. And we consider them our brothers and sisters, and our neighbors. And so, we’re very grateful for all the contributions that the Filipino community has made in the United States,” aniya.