US rumesbak, kinondena pagbangga ng China sa PH ship sa Ayungin

Mariing kinondena ng Amerika ang karahasan na ginawa ng China sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Mariing kinondena ng Amerika ang karahasan na ginawa ng China sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, tumitindig ang Amerika sa kaalyadong Pilipinas.

“The US condemns the PRC’s aggressive, dangerous maneuvers near Ayungin (Second Thomas) Shoal, which caused bodily injury, damaged Philippine vessels, and hindered lawful maritime operations to supply food, water, and essential supplies to Philippines personnel within the Philippine exclusive economic zone,” pahayag ni Carlson.

“We stand by our allies in support of a #FreeAndOpenIndoPacific,” dagdag ni Carlson.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, nagsasagawa ng resupply mission ang pamahalaan ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre nang banggain ng barko ng China ang barko ng Pilipinas.

Ramming at towing ang ginawa ng China dahilan para masira ang barko ng Pilipinas.

Kinondena na rin ito ng National Task Force for the West Philippine Sea.