US, PH itutumba si Quiboloy? Diversionary tactic lang ‘yan – Romualdez

Malinaw na diversionary tactic lang ang paratang ni Pastor Apollo Quiboloy na mayroon umanong sabwatan ang Pilipinas at US para patahimikin siya.

Ito ang sagot ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa banat ni Quiboloy.

Ayon kay Romualdez, inilalayo lang ni Quiboloy ang atensyon ng taumbayan at sinusubukang pagtakpan ang iba’t ibang kaso at reklamo laban sa kanya.

“While I understand the gravity of the accusations he faces on the international stage, specifically from the FBI (Federal Bureau of Immigration), it is important to clarify that the Philippine government and its officials, including myself and President Ferdinand Marcos, Jr., operate within the bounds of our constitution and laws,” sabi ni Romualdez sa isang pahayag.

“The claims of connivance with foreign entities for illicit activities are unfounded and divert attention from the serious legal matters at hand,” dagdag nito.

Sa isang recorded message, ni Quiboloy na mayroon itong mapagkakatiwalaang source na nagsabi sa kanya na mayroong plano ang mga ahensya ng US at sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at First Lady Liza Marcos Araneta, na siya ay ipadukot o patayin.

Siniguro ni Romualdez na itinataguyod ng gobyerno ang rule of law at magiging patas para sa lahat.

Hinimok din ni Romualdez si Quiboloy na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya at irespeto ang legal na proseso.

“As public servants, we are dedicated to transparency, integrity, and the welfare of our country. We remain steadfast in our duties and responsibilities to the Filipino people and will not be swayed by baseless accusations,” sabi nito.

“We advise the public to remain discerning of information and trust in the processes that uphold justice and democracy in our nation,” dagdag pa ni Romualdez.