US Navy, nagsagawa ng libreng konsyerto sa Legazpi City

Ipinamalas ng banda ang talento nito sa mga Bicolano sa kanilang libreng concert kamakailan.

LEGAZPI CITY – Mga nakakaindak na tugtugin ang itinampok ng U.S Navy Band sa mga Legazpeño sa kanilang hatid na libreng konsyerto na ginawa sa SM City Legazpi, nitong Huwebes, October 5, 2023.

“Sama-sama Concert 2023” ang naging tema ng aktibidad.

Ayon sa leader ng U.S Navy Band na si U.S Seventh Fleet chief James Choate, ito ang unang beses na idinaos nila sa lungsod ang libreng konsyerto.

Layunin ng aktibidad na maipakita ang kanilang mga talento at mailapit din ang musika sa publiko.

Dumalo rin sa konsyerto ang Naval Forces Southern Luzon na si Commodore Joe Anthony Orbe.

Bukod sa U.S Navy, nagpakitang-gilas din ang Philippine Navy sa pagkanta.

Bago bumalik sa Estados Unidos ngayong darating na linggo, nakatakda ring magkaroon sila ng libreng konsyerto sa iba pang pasyalan sa Lungsod ng Legazpi.