US nagpahayag ng kahandaang sumaklolo sa Pinas sa ilalim ng MDT

Pinagtibay muli ng United States ang Article IV ng 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty (MDT) kasunod ng kamakailang aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Pinagtibay muli ng United States ang Article IV ng 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty (MDT) kasunod ng kamakailang aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Nitong Martes lang ay isang tauhan ng Philippine Navy ang malubhang nasugatan matapos banggain ng China Coast Guard ang isang barko ng Pilipinas malapit sa Second Thomas Shoal sa South China Sea.

Dahil dito, tinalakay nina Deputy Secretary of State Kurt Campbell at Philippine Undersecretary of Foreign Affairs Maria Theresa Lazaro ang mga isyung kinakaharap ng bansa sa WPS.

Ang mga suliranin umano kasi na ito ay nakakasagabal sa pagsasagawa ng isang legal na maritime operation at freedom of navigation ng ‘Pinas.

Samantala, pahayag ni State Department spokesperson Matthew Miller: “PRC (People’s Republic of China) vessels’ dangerous and deliberate use of water cannons, ramming, blocking maneuvers, and towing damaged Philippine vessels, endangered the lives of Philippine service members, is reckless, and threatens regional peace and stability.”