US, makikipag-ugnayan sa ‘Pinas sa gitna ng pangha-harass ng China sa WPS

Makikipag-uganayan ang Estados Unidos sa Pilipinas bunsod ng sunud-sunod na ulat ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inilahad ni US State Department spokesperson Matthew Miller.

Kasunod ito ng ulat ng National Task Force on for the West Philippine Sea (NTF-WPS) hinggil sa nangyaring pangha-harass, pag-harang, at pambo-bomba gamit ang water cannon ng China sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

“The United States stands with our Philippine allies in the face of these dangerous and unlawful actions,” ani Miller.

Ayon sa NTF-WPS, apat ang sugatan ng bombahin ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang supply boat ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Soal Martes ng umaga.

Nagkaroon din umano ng banggaan nang harangin ng isang CCG ship ang barko ng Philippine Coast Guard na escort ng supply vessel.