US kasangga ng Pinas vs lumalalang pambu-bully ng China — Pentagon

Handang rumesbak ang Estados Unidos sa Pilipinas kung sakaling mas lumala ang pambu-bully ng China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, ayon sa Pentagon.

Handang rumesbak ang Estados Unidos sa Pilipinas kung sakaling mas lumala ang pambu-bully ng China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, ayon sa Pentagon.

Kamakailan ay hinaras ng China ang resupply mission ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal kung saan isang Pinoy navy ang naputulan ng daliri habang pito pa ang nasaktan sa insidente.

Bagama’t tikom sa nangyaring insidente sa Ayungin, tinawag ni Pentagon press secretary Maj. Gen. Pat Ryder ang ginagawa ng China na “provocative, it’s reckless, it’s unnecessary, and … it could lead to something bigger and more violent.”

Kinondena rin ng Pentagon ang nakakabahalang aksyon ng China sa South China Sea.

“And so we are going to continue to stand with our Philippine allies. We condemn the escalatory and irresponsible actions by the [People’s Republic of China] to deny the Philippines from executing a lawful maritime operation in the South China Sea,” saad ni Rider.

“And as you’ve heard [Defense Secretary Lloyd Austin] and others say, the Philippines’ rightful, legal maritime claims must be protected,” dagdag niya.