US, Japan sinuka pagwasak ng China sa barko ng ‘Pinas sa WPS

Nagpahayag ng pagkabahala ang United States at Japan sa paulit-ulit na pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Philippine vessel sa Ayungin Shoal.

Nagpahayag ng pagkabahala ang United States at Japan sa paulit-ulit na pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Philippine vessel sa Ayungin Shoal.

Ngayong Marso 23, dakong alas-4 ng madaling araw, nagtamo ng pinsala ang isang vessel ng Pinas matapos itong bombahin ng water cannon ng China.

Nakatakda kasing mag-resupply ang naturang vessel ng kagamitan sa BRP Sierra Madre.

Sinabi ni US Ambassador MaryKay Carlson, ang pangingialam at pagbabawal ng China sa kalayaang pagpalayag ng bansa ay labag sa international law.

“The U.S. stands with the Philippines against the PRC’s repeated dangerous maneuvers & water cannons to disrupt @CoastGuardPH lawful activities in the EEZ. The PRC’s interference with freedom of navigation violates international law & threatens a #FreeAndOpenIndoPacific,” pahayag ni Carlson.

Maging ang Japan ay nagpakita ng suporta at pakikiisa sa Pinas.

“Japan reiterates its grave concern on the repeated dangerous actions by CCG in SCS which resulted in Filipino injuries. Japan stands in solidarity w/ the PH as confirmed at the Vice Foreign Ministers’ meeting held in this week,” pahayag ni ENDO Kazuya, Ambassador ng Japan sa Pilipnas.