US gov’t, magbibigay ng P283-M na tulong sa DepEd upang tugunan ang mga hamon sa edukasyon

Nakatakdang magbigay tulong ang Estados Unidos sa Pilipinas na nagkakahalagang P283 milyon upang mas matugunan nito ang mga malalaking hamon sa sektor ng edukasyon.

Nakatakdang magbigay tulong ang Estados Unidos sa Pilipinas na nagkakahalagang P283 milyon upang mas matugunan nito ang mga malalaking hamon sa sektor ng edukasyon.

Ang nasabing tulong ay magmumula sa US Agency for International Development (USAID), na ilulunsad ang proyektong “Improving Learning Outcomes for the Philippines” (ILO-Ph), sa Philippines gamit ang pondo mula sa mga kasosyo nito upang.

“As an enduring friend, partner, and ally, the US government, through USAID, will continue to work with local partners to make quality education accessible to all educators and learners wherever they are in the Philippines so we can build stronger and more prosperous communities,” paliwanag ni USAID Philippines Deputy Education Director Yvette Malcioln.

Ang ILO-Ph ay pagpapaabot ng P283-milyong halaga ng tulong sa Department of Education (DepEd), na siya naman nitong magagamit upang tugunan ang mga hamon sa edukasyon, kabilang ang pagpapalakas ng kapasidad nito na masuri ang kalidad ng edukasyon ng mga Filipino learners at pagpapatayo ng mga pasilidad.

Ang programang ito ng USAID ay tatakbo sa loob ng limang taon upang tulungan ang DepEd sa pagdidisenyo, pagpapatupad, at pagsusuri sa buong hanay ng mga programang pang-edukasyon nito, mula sa early childhood education hanggang sa workforce development.