US Embassy: Quiboloy mananagot sa mga ginawang human rights abuse

Kumpiyansa ang Estados Unidos na mapapanagot si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa mga kasong nakasampa laban sa kanya.

Kumpiyansa ang Estados Unidos na mapapanagot si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa mga kasong nakasampa laban sa kanya.

Sa pahayag ng US Embassy sa Pilipinas, ilang dekada nang sangkot si Quiboloy sa mga human rights abuse tulad ng panggagahasa ng minor at napasama pa sa Most Wanted List ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

“We are confident that Quiboloy will face justice for his heinous crimes. Questions about legal proceedings should be directed to the U.S. Department of Justice,” ayon sa US Embassyo.

Inakusahan ni Quiboloy ang America na iniipit umano ang kanyang extradition dahil nais umano ng naturang bansa na ipakitil ang kanyang buhay.

Saad niya, nakikipagkuntsaba umano ang Amerika sa gobyerno ng Pilipinas para siya’y mapatahimik.

Ngunit giit naman ni House Speaker Martin Romualdez, diversionary tactic lamang ang alegasyon ni Quiboloy.

“The claims of connivance with foreign entities for illicit activities are unfounded and divert attention from the serious legal matters at hand,” wika ni Romualdez.