US Defense Chief, matindi ang suporta kay PBBM sa WPS!

Ibinahagi ni United States Defense Secretary Lloyd Austin ang kanyang puspusang suporta sa malakas na posisyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. patungkol sa teritoryong West Philippine Sea.

Ibinahagi ni United States Defense Secretary Lloyd Austin ang kanyang puspusang suporta sa malakas na posisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungkol sa teritoryong West Philippine Sea.

Pinalakpakan ni Austin ang galing at linaw ni Pangulo Marcos sa kanyang pagtalakay sa rule of law sa South China Sea sa kanyang talumpati sa IISS Shangri-La Dialogue.

“And he’s right,” sabi ni Austin, nang ipinahayag nito na “every country, large or small, has the right to enjoy its own maritime resources and to freely sail and operate wherever international law allows.”

Sinabi ni Austin na ang pang-aagaw na kinakaharap ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay “delikado at lantarang mali.”

Ipinagmalaki pa ni Austin na patuloy na magkakaron ang US ng mahalagang papel sa Indo-Pacific habang binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagtataguyod ng rule of law.

“Now, sustaining this progress will take teamwork. It will take resolve. And it will take leadership,” aniya.

Giit ni Austin, kahit ang mga kritiko at propagandista ay tutol, ay patuloy pa rin ang pagtugon ng mga bansang nagkakaisa.