US Defense Chief binira China sa pagbomba ng water cannon

Binanatan ni United States Defense Secretary Lloyd Austin III ngayong Biyernes ang China hinggil sa pambobomba nito ng water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Binanatan ni United States Defense Secretary Lloyd Austin III ngayong Biyernes ang China hinggil sa pambobomba nito ng water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“The kind of behavior we’ve seen where Filipino crews are put in danger, sailors have been injured and property damaged, that’s irresponsible behavior, and that disregards international law,” pahayag ni Austin sa gitna ng press conference sa U.S. Indo-Pacific Command headquarters sa Hawaii.

Naroon din sa nasabing press con si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Ang pinatutungkulan ni Austin ay ang pagbomba ng China ng water cannon sa isang sasakyang pandagat ng Pilipinas noong Marso 23, kung saan tatlong sundalo ng Philippine Navy ang nasaktan.

Nitong Martes lang ay muling nagsiga-sigaan ang China sa WPS nang bombahin nito ng water cannon ang isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa may Panatag Shoal.