Upgrade niyo na please! Mambabatas, nanawagan sa DOTr na ayusin at pagandahin ang MRT-3

Humihingi naman ang DOTr ng P2.9 bilyon para sa rehabilitasyon ng MRT at karagdagang P1.3 bilyon para sa operations at maintenance nito.

Isinulong ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang papapasaayos at pagpapaganda sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Pangunahing iminungkahi ni Rillo na i-upgrade ng Department of Transportation (DOTr) ang ang kapasidad ng MRT-3 upang mapataas ito sa 500,000 kada araw mula sa kasalukuyang 300,000.

“We want MRT-3’s carrying capacity upgrade to succeed so that commuters will have faster, safer, and more convenient rides,” sambit ni Rillo sa isang pahayag nitong Linggo, Setyembre 10.

Kaugnay nito, nangako naman si Rillo, vice chairperson ng House Committee on Metro Manila Development ay miyembro rin ng Committee on Appropriations na popondohan ng Kamara ang nasabing upgrades sa MRT-3.

“We, in Congress, are prepared to provide the DOTr all the funding needed to renew the aging train line,” garantiya ni Rillo.

Humihingi naman ang DOTr ng P2.9 bilyon para sa rehabilitasyon ng MRT at karagdagang P1.3 bilyon para sa operations at maintenance nito.

Ang MRT-3 ay naging operational simula pa noong 2000 at naging isa na sa mga pangunahing public transport sa Metro Manila.