UP Diliman hinirang na ‘Top University’ sa ‘Pinas

Kinilala bilang Top University sa buong Pilipinas ang University of the Philippines (UP) Diliman, base sa EduRank.

Kinilala bilang Top University sa buong Pilipinas ang University of the Philippines (UP) Diliman, base sa EduRank.

Lumabas sa latest ranking ng EduRank noong Pebrero 29 na nasa ika-374 na puwesto sa 5,830 na unibersidad sa Asya ang UP Diliman.

Nasungkit din ng unibersidad ang ika-1,367 na puwesto sa global ratings.

Samantala, nasungkit naman ng De La Salle University ang ikalawang puwesto sa bansa, habang nasa ikatlo ang Ateneo de Manila University.

Ang EduRank ay independent, metric-based ranking ng mga unibersidad sa buong mundo. Sinusuri nila ang ranggo ng mga paaralan base sa kanilang research output, non-academic reputation, at impact ng mga kilalang alumni.