Unti-unting nagiging moderno: Philippine Navy, may panibagong gunboat uli mula Israel

Ang pagbili ng Philippine Fleet sa mga naturang gunboat ay bahagi ng FAIC Acquisition Project sa ilalim ng Revised AFP Modernization Program Horizon 2.

May karagdagang armas na naman ang Philippine Navy (PN) matapos itong makatanggap ng dalawa pang fast attack interdiction craft (FAIC) platforms mula sa Israel.

Ang naturang mga Acero-class gunboats— ang PG-906 and PG-907—ay dinala sa Pilipinas noong Sabado, Nobyembre 18, gamit ang general cargo ship Kogra Royal, at ngayon ay nasa Commodore East Posadas Wharf na sa Cavite City, ayon kay Navy spokesperson Lt. Giovanni Badidles sa isang pahayag.

“It (deliveries) marks another milestone in the Fleet’s resolve of reinforcing the country’s littoral/coastal defense with modern fast patrol combat vessels that have proven to be highly reliable in addressing current and emerging threats, and transnational crimes,” saad ni Badidles.

Sa ngayon ay may kabuuang anim na Acero-class gunboats ng ang PF, kasama ang BRP Nestor Acero (PG-901) at BRP Lolinato To-Ong (PG-902) na ndumating noong Setyembre 2022 at ang BRP Gener Tinangag (PG-903) at BRP Domingo Deluana (PG-905) na dumating naman noong Abril.

Ang pagbili ng PF sa mga naturang gunboat ay bahagi ng FAIC Acquisition Project sa ilalim ng Revised AFP Modernization Program Horizon 2, kung saan contractor ng Philippine Navy ang Israel Shipyards.