Unti-unti nang umaayaw ang advertisers kay DJ! 4 endorsement deals na para sana sa KathNiel, ibinigay na lamang kay Kathryn Bernardo

Kwento kay Mildred Bacud ng isang reliable source na ang naturang endorsement deals mula sa apat na kilalang kumpanya ay para sana sa dating magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Subalit dahil nga naghiwalay na ang KathNiel, ibinigay na lamang ang mga ito kay Bernardo.

Apat na endorsement deals na rin ang nawala sa aktor na si Daniel Padilla higit isang buwan pa lamang matapos ang hiwalayan nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.

Iyan ang tsika ng beteranong showbiz reporter na si Mildred Bacud sa pinakahuling episode ng “Marisol Academy.”

Ayon kay Bacud, sinabi sa kaniya ng isang reliable source na ang naturang endorsement deals mula sa apat na kilalang kumpanya ay para sana sa dating magkasintahan. Subalit dahil nga naghiwalay na ang KathNiel, ibinigay na lamang ang mga ito kay Bernardo.

“Pero ito ha dito lang yan maririnig sa Marisol Academy ha. How true na apektado na ang career ni Daniel dahil yung apat daw na supposedly na endorsement nila ni Kathry Bernardo ay diumano, according to our source, ay kay Kathryn na lang daw ibinigay,” tsika ni Bacud.

Para naman sa co-host niyang si Roldan Castro, good for business ang pagkuhang endorser kay Bernardo.

“Kahit naman ako friendship, kukunin ko si Kathryn dahil mayroon tayong kaibigan na CEO at president na isang brand, nirekomenda namin na ‘Bakit hindi mo kunin si Kathryn kasi nakikita namin na malakas si Kathryn talaga ngayon,'” aniya.