Unod trade fair, inilunsad sa Castilla

Nais ipadama ng LGU sa mga magsasaka ng bayan na may direktang access sila sa merkado.

SORSOGON- Itinatampok ngayon sa Unod Trade Fair ng bayan ng Castilla ang mga produktong root crops.

Limang asosasyon ng manananim ang sumali sa trade fair na opisyal na inilunsad nitong Oktober 1, 2023 kasabay ng pagbubukas ng selebrasyon ng bayan ng Unod Festival.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito rin ang kanilang paraan upang maipadama sa mga magsasaka sa kanilang bayan ang kanilang pagpapahalaga sa mga ito maging sa mga produktong kanilang inaani.

Binuksan ang trade fair sa LGU Building ng Castilla at opisyal na nagtapos nitong October 7 na pinanganuhan Castilla Mayor Bong Mendoza, mga opisyal ng bayan, department heads, Tourism Office at Agriculture Office.