Unli-bagoong! Daan-daang alamang, dumagsa sa dalampasigan sa Leyte

Daan-daang alamang ang napadpad sa isang dalampasigan sa isang barangay sa San Isidro, Leyte nitong Miyerkules, Enero 17.

Daan-daang alamang ang napadpad sa isang dalampasigan sa isang barangay sa San Isidro, Leyte nitong Miyerkules, Enero 17.

Ayon sa mga residente, umaga pa lang nang mapansin ng mga dumaraan na may mga nagkukumpulang alaman sa dalampasigan.

Kanya naman nagsipuntahan na rin ang mga residente na may kanya-kanyang timba upang makahakot ng mga alamang.

Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Central Visayas, patunay lamang ang nasabing pangyayari na malinis ang tubig ng dalampasigan kung kaya’t nagkumpulan dito ang mga alamang.

Sabi naman ng mga residenteng, ito na ang ikalawang beses na nagbiyaya sa kanila ang karagatan ng daan-daang alamang.

BASAHIN RINBaha ng biyaya mula karagatan! Sandamakmak na sardinas, dagsa sa mga beach sa Saranggani