Unity sa salita at sa gawa: Peace talks sa pagitan ng gobyerno, rebeldeng NDFP, muling binuhay ni PBBM

Magtutulungan ang gobyerno at ang NDFP na magpatupad ng mga reporma para sa pangmatagalang kapayapaan.

Nagkasundo ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang liderato ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na muling buhayin ang usapang pangkapayaan upang wakasan na ang higit na limang na dekadang pag-aaklas ng mga rebeldeng komunista.

Sa isang pahayag, na tinawag na Oslo communique, kinilala ng gobyerno at ng NDFP ang mga umiiral na usaping panglipunan at pangkalikasan sa bansa at ang kahalagahan ng pangmatagalang kapayapaan para tugunan ang mga ito.

“Cognizant of the serious socioeconomic and environmental issues, and the foreign security threats facing the country, the parties recognize the need to unite as a nation in order to urgently address these challenges and resolve the reasons for the armed conflict,” saad sa pahayag, na pinirmahan ng mga representante ng magkabilang kampo.

“The parties agree to a principled and peaceful resolution of the armed conflict. Resolving the roots of the armed conflict and ending the armed struggle shall pave the way for the transformation of the CPP-NPA-NDFP.

Ayon rin sa pahayag, magtutulungan ang gobyerno at ang NDFP na mag-isip at magpatupad ng mga repormang magiging tulay upang maatim na ang pangmatagalang kapayapaan.

“We envision and look forward to a country where a united people can live in peace and prosperity,” sabi pa ng pahayag, na pinirmahan ni Luis Jalandoni, na miyembro ng National Executive Council ng NDFP, at Antonio Ernesto Lagdameo Jr., ang special assistant to the president.

Kasama rin sa mga pumirma sina Carlito Galvez Jr. at Gen. Emmanuel Bautista sa panig ng gobyerno, at sina Julieta de Lima at Koni Ledesma para sa hanay ng NDFP.