Unity para sa Pinoy! Panukalang amyenda ng Kamara sa 2024 budget, magbibigay ginhawa sa mamamayan — Zaldy Co

Madaling lulusot ang mga panukalang amyenda ng Kamara sa 2024 proposed national budget dahil lahat ng ito ay magbibigay ginhawa sa mga mamamayan, ayon kay Ako Bicol Party List Rep. Zaldy Co.

Kumpyansa si House appropriations committee chair Rep. Zaldy Co na sasang-ayunan ng mga senador ang mga panukalang amyenda ng Kamara sa proposed 2024 national budget.

“I have heard them saying we will follow our colleagues [in pushing for such amendments], and I also heard that they had an executive committee meeting [on the issue],” sinabi ni Co, na tumatayong kinatawan ng Ako Bicol Party List sa Kongreso.

“I think it is already a done deal,” dagdag pa ng opisyal.

Kasama sa mga panukalang amyenda ni Co at mga kasamahan niya sa House small committee ang pagbigay ng karagdagang budget sa mga sumusunod na mahahalagang social services gaya ng:

-P43.9 bilyon para sa Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) ng Department of Health

– P35 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) and Sustainable Livelihood Programs ng Department of Social Welfare and Development

-P17.5 billion para sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers at Government Internship Program ng Department of Labor and Employment

-P17.1 billion para sa Tertiary Education Subsidy at Tulong Dunong Program ng Commission on Higher Education

– P10.4 billion para sa Training for Work Scholarship Program ng Technical Education and Skills Development Authority

Tiwala si Co na madaling susuportahan ng Senado ang mga institutional amendments ng Kamara sa panukalang budget dahil lahat ng ito ay magbibigay ginhawa sa mga mamamayan.