Unity laban sa scammers! Globe, Smart, nagkaisa sa paghiling sa Kongreso na ipasa ang panukalang batas laban sa scammers, money mules

Nagkaisa ang Globe at Smart sa paghiling sa Kongreso na ipasa ang panukalang batas na magpapataw ng parusa laban sa mga scammer at money mules.

Suportado ng mga telecomunnications companies ang panukalang batas na nakahain sa Kongreso na naglalayong pigilan ang pagdami ng financial cybercrimes sa bansa.

Kung sakaling maisasabatas, kumpiyansa ang Globe Group at PLDT-Smart Communications na mas magkakaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na habulin ang mga scammer sa pamamagitan ng panukalang House Bill No. 7393 o ang Anti-Financial Scamming Act, at Senate Bill No. 2039 o ang Anti-Mule and Financial Fraud act of 2023.

Para kay Globe group president and chief executive officer Ernest Cu, magbibigay ng ngipin ang mga panukalang batas para maparusahan ang mga scammer at mga sangkot na money mules.

“Because if your name is implicated, then you can be an accessory to the crime. Right now, people do not value or do not put a lot of emphasis on their identity being used in crimes,” ani Cu.

“While some may believe they are engaging in a harmless or victimless act, they are, in fact, supporting complex criminal activities. This behavior continues a cycle of fraud and deception that affects numerous victims,” dagdag pa niya.

Para naman kay PLDT-Smart president and CEO Alfredo Panlilio, makakatulong ang mga panukalang batas na ito para pabilisin pa ang digitalization strategy ng bansa, at maglagay pa ng safeguards laban sa cyberattacks

“Since every Internet user is vulnerable to cyberattacks that target our identity and our finances, protection by the State is equally vital to getting more Filipinos to maximize the opportunities that the Internet can offer,” ani Panlilio.