Unity laban sa PhilHealth hackers! Pagbuo ng interagency task force vs hackers, itinulak ng PhilHealth

Nais ng PhilHealth na bumuo ng joint task force kasama ang Philippine National Police, National Privacy Commission, and the Department of Information and Communications Technology upang imbestigahan pa ang Medusa ransomware na umatake sa ahensiya.

Humingi na ng tulong ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ibang kawani ng pamahalaan upang ganap nang maresolba ang ransomware insident na pumaralisa sa ahensiya kamakailan lamang.

Partikular na hinihling ng PhilHealth ang pagbuo ng isang joint task force kasama ang Philippine National Police, National Privacy Commission, and the Department of Information and Communications Technology, na siya namang bubusisi sa naging problema ng ahensiya.

“This is not merely a concern of PhilHealth, this is a nationwide concern, and, for this reason, we requested a joint task force to look into this problem,” sinabi ni PhilHealth chief operating officer Eli Dino Santos sa isang media briefing nitong Lunes, Oktubre 2.

Dagdag pa ng PhilHealth, layon nitong mas protektahan pa ang cybersecurity at IT infrastructure nito upang mas mapigilan ang mga susunod pang cyberattacks sa online systems ng ahensiya.

Matatandaang tinamaan ng Medusa ransomware ang PhilHealth nitong nakaraang buwan lamang, na nakaapekto naman sa online systems nito