Unity in action! 95% ng mga rice retailer, sumusunod sa takdang presyo ng bigas – DA

Sumusunod ang mga rice retailer sa takdang presyo ng bigas, ayon sa opisyal ng Department of Agriculture.

Karamihan sa mga retailer ng bigas ang tumatalima sa panuntunan ng Executive Order (EO) No. 39, na nagtatakda sa presyo ng regular at well-milled rice, ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture (DA).

“So far, as of yesterday, nagkaroon tayo ng 95% na success rate,” ayon kay DA deputy spokesperson Wiann Angsiy. “This means na nag-comply po ang ating mga retailers.”

Ayon kay Angsiy, tuloy-tuloy ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga retailer ng bigas tungkol sa EO No. 39 upang malinawan ang mga ito sa layunin ng pagtatakda ng presyo.

“Even if may mga umaalma, patuloy pa rin tayong nagdi-disseminate ng information para ma-explain sa kanila na talaga pong importanteng sumunod dito sa price cap,” Angsiy said.

Muling giniit ng opisyal na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga apektadong rice retailers.

“Mabibigyan natin sila ng ayuda basta po ay sumunod lamang sila,” ani Angsiy.

Dagdag pa ni Angsiy na nakatakdang magbahagi ang DA ng iba pang uri ng suporta tulad ng tulong sa paghakot at direct market linkages. Ipinaalala rin niya na pansamantala lang ang EO No. 39.

“By the end of October 2023, most of the estimated 2.92 [million] metric tons of palay would come from 15 provinces. ‘Yan ang projected, which we assume would be enough based on our projections,” sinabi pa ni Angsiy.