Unang pagkamatay dahil sa vape, naitala!

Naitala ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng namatay dahil sa vaping.

Naitala ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng namatay dahil sa vaping.

Ayon sa report ng DOH, isang bente dos anyos na lalaking Pinoy na walang health history ng sakit sa puso ang bilang inatake sa puso dulot ng pulmonya na kaugnay umano sa araw-araw na paggamit nito ng vape.

“The patient also developed a serious lung condition known as e-cigarette or vaping-use-associated lung injury (EVALI),” sabi ng DOH.

Kaya naman nagbabala ang kagawaran sa publiko na iwasan ang lubhang paggamit ng vape. Dagdag nito, hindi alternatibo ang pag-vape sa paghithit ng sigarilyo.

“E-cigarettes and vaping are not safe alternatives to smoking,” ani Health Secretary Ted Herbosa.

Sinabi rin ng DOH na ang pag-vape ay maaaring maging sanhi ng atake sa puso kahit sa mga kabataan at sa mga taong may malusog na pangangatawan at sana’y magsilbing paalala ang naitalang pangyayari sa mga vape user.

“May this tragic case serve as a stark reminder of their serious health risks,” dagdag ni Herbosa.