Unahin na sana sila: Bigyang prayoridad ang clemency ng mga PDL na nakatatanda, may kapansanan, o sakit–mambabatas sa DOJ

Mahigit 11,000 persons deprived of liberty na ang nakatanggap ng clemency mula sa gobyerno. Kaya naman para sa isang mambabatas, napapanahong unahin munang bigyan ng kapatawaran ng gobyerno ang mga inmate na nakatatanda, may sakit, at may kapansanan.

Hiniling ng isang mambabatas sa Department of Justice (DOJ) na bigyang prayoridad ang mga nakatatanda, may sakit, at may kapansanan (persons with disabilities o PWDs) na persons deprived of liberty (PDL) sa pagrerekomenda sa mga bibigyan ng clemency.

Ginawa ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panawagan matapos purihin ang mga isinasagawang mga jail decongestion efforts ng DOJ.

“We urge the DOJ and the BPP to consider giving priority to elderly, frail PDLs and those suffering from critical illnesses and disabilities in recommending the grant of executive clemency to President (Ferdinand) Marcos (Jr.),” panawagan ni Yamsuan.

Ayon sa kaniya, nakahanay ang kanyang panawagan sa resolusyong inilabas ng Board of Pardons and Parole (BPP), na nagsasabing: “PDLs who are 70 years old and, even if they are considered high-risk, if they have already served 10 years of their sentence, shall now be considered for executive clemency, especially if they are suffering from old age, being sickly, or terminal or life-threatening illnesses or other serious disability.”

Una nang pinalaya ng Bureau of Corrections ang higit 11,000 PDL simula nang maupo sa pwesto si Marcos. Kaugnay niyan ay umaasa si Yamsuan na papayagan ito ng pangulo.

“Christmas is a time for mercy and compassion. It is also a time that should be spent with one’s family. PDLs who are old, disabled, or in poor health should be given the chance to spend time with their loved ones,” aniya.