Umuusad na ang imbestigasyon! Baril at motorsiko na ginamit sa ambush ng abogado sa Abra, sangkot rin sa iba pang kaso – PNP

Ginamit sa nauna nang mga shooting incidents ang baril at motorsiklong ginamit sa pag-ambush sa isang abogado sa Abra kamakailan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na ang baril na ginamit sa pagpaslang sa abogadong si Maria Saniata Liwliwa Alzate sa harap ng kaniyang bahay sa Abra ay ginamit rin sa iba pang kaso ng pamamaril.

Paliwanag ng PNP, ito ay klarong indikasyon na ang mga pumatay kay Alzate ay mga miyembro ng gun-for-hire group.

Kinumpirma rin ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ang motorsiklong na-recover malapit sa pinangyarihan ng ambush ay sangkot rin sa mga shooting incidents.

“Based on the macro-etching that was done on the recovered motorcycle, it was found out that the motorcycle was bought in July 2023 by a company which later sold it to an individual,” paliwanag ni Fajardo. “Also based on the cross-matching of the recovered fired cartridges, these matched previous shooting incidents. So, there are strong indications that the assailants involved are possibly members ng gun-for-hire group.”

Sa kasalukuyan ay may natukoy nang isang suspek ang mga pulis, na una nang humingi na rin ng tulong sa publiko upang mapabilis ang pagresolba sa karumal-dumal na pagpaslang.