Umiiwas? Zubiri, absent sa pa-dinner ng Palasyo

Hindi dumalo si dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa inihandang hapunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at unang ginang Liza Araneta-Marcos para sa mga senador at mga asawa nito noong Martes.

Pinabulaanan naman ni Escudero ang mga espekulasyon na umiwas si Zubiri nang umabsent ito sa dinner party.

Sa katunayan, hindi naman daw napag-usapan noong hapunan ang pagpapalit ng liderato sa Senado.

“We did not talk about it,” pag-kumpirma ni Escudero.

“I’m relaying to you what he told me, he said, when this whole thing was happening, that’s all he said. He was in Dumaguete or Bacolod I think, for whatever event, and that he learned about it when he landed when it’s over,” dagdag niya.

Aniya, matagal nang nakaplano ang nasabing dinner party at wala naman daw masama kung maghanda si Pangulong Marcos ng hapunan pagkatapos ng pagbabago sa pamunuan ng mataas na kapulungan.