Umiinit na ang halalan: 18 election-related incidents, naitala na PNP

Tila tumitindi na ang kampanya dahil nakapagtala na ang PNP ng 18 kaso ng karahasan na anila'y may kaugnayan sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 18 insidente ng karahasan na may kaugnayan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fernando na may kabuuang 97 na insidente ng karahasan ang naitala sa buong bansa hanggang Oktubre 20, at 18 ang nakumpirma na may kinalaman sa paparating na botohan.

Kasama sa mga election-related incidents (ERIs) ang 12 kaso ng pamamaril, dalawang kidnapping, at tig-iisang kaso ng grave threat, indiscriminate firing, paglabag sa gun ban, at isang insidente ng barilan.

Sinabi ni Fajardo na inaksyunan na ng PNP ang mga ERI at pito sa mga ito ay nai-refer na sa mga police regional offices (PRO), habang 8 pa ang iniimbistigahan pa. Isa naman ang naihain na sa korte, habang dalawang kaso ang hindi umusad dahil walang naghabla.